Manila, Philippines – Ikinakasa na ng millennial groups ang pagsasampa ng petisyon bukas sa tanggapan ng DOJ upang hilingin na mag-inhibit si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa paghawak ng kaso sa napaslang kay Kian Loyd delos Santos.
Sa ginanap ng Presscon sa Manila sinabi ni Millenial against Dictator co-convenor Karla Yu isang law student hindi umano magandang halimbawa na tularan ng katulad niyang magiging abogado ang ginagawa umano ni Aguirre.
Sinuportahan naman ni Student Council Alliance of the Philippines OIC Sec. Gen. Jeza Rodriguez ang pahayag ni Yu na dapat mag-inhibit na ang Kalihim ng DOJ na tinawag nilang ” Fake news king of Padre Faura” dahil sa mistulang pagpabor nito sa mga pulis sa naging mga pahayag nito sa Media.
Nagpapakita lamang umano na hindi credible at naging bias si Aguirre dahil sa hindi pa nalilitis ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian ay mistulang kinakampihan umano ng kalihim ang mga sangkot sa karumaldumal na pagpatay sa isang grade 11student.
Giit ng grupo napatunayan umano sa record na talagang bias si Agirre dahil sa kaso ni Albuera mayor Espinosa na mula sa Murder ibinaba sa bailable offense na Homicide.
Una rito pinaiinhibit na rin ni Fr. Robert Reyes si Aguirre sa paghawak sa kaso ni Kian Delos Santos dahil sa mga naging pahayag ng kalihim umano mga ebidensiyang inaabswelto na agad ang mga pulis.