DOJ, tiniyak ang agarang pagpapalabas ng desisyon sa aplikasyon sa WPP ng Wellmed scam whistleblowers

39

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na agad silang magpapalabas ng desisyon sa aplikasyon sa Witness Protection Program (WPP) nina Edwin Roberto at Liezel Aileen de Leon.

Sina Roberto at de Leon ay ang whistleblowers sa ghost dialysis scam na kinasasangkutan ng Wellmed Dialysis Center.


Nilinaw naman ni Guevarra na ang aplikasyon pa lang sa ngayon ng dalawang whistleblowers ay para sa provisional coverage ng WPP.

Sina Roberto at de Leon ay kabilang sa mga inireklamo ng NBI ng estafa through falsification of official documents dahil sa sinasabing pekeng dialysis claims sa PhilHealth.

Kasama rin sa kinasuhan ang isa sa may-ari ng WellMed na si Dr. Brian Sy.

Facebook Comments

From Advertisers