DOJ, tiniyak na iiral ang legal na proseso hinggil sa pagkakaaresto kay Alice Guo

Sisiguruhin ng Department of Justice (DOJ) na masusunod ang lahat ng prosesong legal para harapin at panagutan ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo ang anumang pagkakamali nito.

Ito ang naging pahayag ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla matapos kumpirmahin ang pagkakaaresto kay Guo sa Jakarta, Indonesia.

Si Guo ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Indonesian Police matapos mahuli ng alas-11:58 kagabi, oras sa Indonesia.


Sinabi pa ni Remulla na patunay ang pagkakahuli kay Guo sa pagsisikap ng mga awtoridad at lakas ng pakipagtutulungan sa international law enforcement agencies para maiharap sa hustisya ang mga nasasangkot.

Tiniyak naman ng kalihim na makikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad ng Indonesia para maisagawa ang mga kailangang proseso upang mapabalik sa Pilipinas si Alice Guo.

Facebook Comments