DOJ, tiniyak na nakatutok sa mga opisyal at kawani ng BuCor na posibleng sangkot sa katiwalian

Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na patuloy nilang imomonitor ang mga rank and file na empleyado ng Bureau of Corrections para alamin kung may mga sangkot dito sa kurapsyon.

 

Inihayag ito ni Sec. Guevarra kasunod ng pahayag ni BuCor Director General Gerald Bantag na 95 posyento ng mga kawani ng BuCor ay mga tiwali.

 

Sinabi ni Guevarra na kung pagbabasehan ang naturang pahayag ni DG Bantag, hindi pa naman aniya ito maituturing na “actionable offense” sa ilalim ng anti-graft law.


 

Sa kabila nito, inihayag ng kalihim na patuloy din nilang tututukan ang mismong pamunuan ng BuCor kung may nagaganap na pag-abuso sa kapanyarihan.

 

Sakali anyang mapatunayan na may mga nagmamalabis na mga tauhan ng Bucor, sila ay pananagutin sa ilalim ng mga umiiral na batas.

 

Una nang lumabas ang isang open letter ng mga nagpakilalang concerned BuCor officials and employees na nananawagan kay Pangulong Duterte na sibakin na si DG Bantag dahil sa anilay pagkakasangkot nito sa katiwalian  at pag-abuso sa kapangyarihan.

Facebook Comments