Kinumpirma mismo ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Markk Perete na nagbitiw ito sa kaniyang pwesto.
Ayon kay Perete, nagpasya siyang magsumite ng kaniyang resignation sa DOJ epektibo ngayong araw, October 1, 2020.
Bagamat hindi idinetalye, sinabi ni Perete na ito ay dahil sa ‘serious reasons.’
Si Perete ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Undersecretary noong July 2018 matapos siyang irekomenda ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Itinalaga siya bilang DOJ Spokesperson noong 2018.
Facebook Comments