
Pormal nang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Fredderick Vida bilang acting Secretary ng Department of Justice (DOJ).
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang kaniyang oath taking sa Malacanang ngayong Lunes, November 17.
Bago ang appointment, nagsisilbi ring officer-in-charge si Vida ng DOJ at undersecretary.
Pinalitan ni Vida si dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nauna nang itinalaga bilang Ombudsman noong nakaraang buwan.
Facebook Comments









