Niratipikahan na ng Senado ang pinal na bersyon ng Senate Bill No. 1520 at House Bill No. 6756 o ang panukalang “Doktor para sa Bayan”.
Layon nito na gawing abot-kaya ang medical school para sa mga mahihirap pero kwalipikadong estudyante na nais maging doktor.
Sa ilalim nito, sasagutin ng gobyerno ang matrikula, transportasyon, internship, board review at licensure fee ng mga estudyante kapalit ng pagsisilbi sa mga ospital ng gobyerno oras na sila ay makapagtapos.
Layon din ng panukala na palakasin ang health care system at punan ang kakulangan ng mga healthcare workers sa Pilipinas na ilan sa mga problemang nakita sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments