Doktor sa India, minolestiya ang pasyenteng may COVID-19

INDIA – Arestado ang isang 30-anyos na doktor ng isang ospital matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa pasyenteng may COVID-19.

Base sa report, noo’y nasa isolation ward ang 25-anyos na pasyente at nagpapagamot matapos magpositibo sa virus.

Sa inihaing reklamo ng biktima, pumasok daw si Dr. Tufail Ahmad ng isang government hospital sa isolation ward ng mga babae noong Hulyo 21.


Nagsimula raw itong humawak sa maselang parte ng kanyang katawan habang sumasailalim umano siya sa pagsusuri.

Hindi natapos dito ang krimen dahil naulit daw ito kinabukasan ng umaga nang muli itong dumalaw sa kwarto kung saan siya nananatili.

Kaya nito lang Hulyo 22, nadakip ang doktor habang naka-quarantine sa reklamong molesting and attempted rape.

Ito ay matapos ding makuha sa CCTV footage ng kwarto ang eksena kung saan napag-alamang wala ring suot na Personal Protective Equipment (PPE) ang suspek.

Kinumpirma ng local media na inaresto ang doktor at ang reklamo ay naiparating na umano sa Chief Medical Superintendent ng pinagtatrabahuan nitong ospital para sa susunod na aksyon.

Hulyo 20 nang maospital ang biktimang pasyente matapos makaramdam ng ilang sintomas ng COVID-19 at nakuha ang resulta kinabukasan ng araw na iyon.

Facebook Comments