DOLE, dumistansya sa pagdedesisyon sa karagdagang deployment ng Pinoy nurses sa abroad

Tumanggi si Labor Sec. Silvestre Bello III na magdesisyon hinggil sa planong pagpapadala ng karagdagang Filipino nurses sa abroad.

Ayon kay Bello, kailangan niya muna itong irekomenda sa Inter-Agency Task Force (IATF).

Nais din ng kalihim na magkaroon muna sila ng pagpupulong sa Department of Health (DOH), Philippine Nurses Association (PNA) at sa Professional Regulation Commission (PRC).


Sinabi ni Bello na nagiging maingat sila sa pagdesesisyon lalo na’t nananatili ang banta ng variants ng COVID-19 partikular ang Delta variant.

Inirekomenda rin ng kalihim na dagdagan ang sahod at benepisyo ng mga nurse sa mga pribadong ospital sa bansa upang hindi sila mapilitan na lumabas ng Pilipinas para doon magtrabaho.

Facebook Comments