DOLE, ikinabahala na halos kalahati ng walang trabaho sa bansa ay nagmula sa hanay ng mga kabataan

Manila, Philippines – Bumaba ang unemployment at underemployment rate sa bansa base sa pinakahuling Labor Force Survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority.

Ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, mula sa dating 6.1 percent na naitala noong nakaraang taon, ay nasa 5.7 percent na lamang ito ngayong taon.

Bagamat ikinatuwa ng ahensya ang resulta ng survey, hindi naman itinanggi ng kalihim na nababahala sila na halos kalahati ng mga walang trabaho sa kasalukuyan ay nagmula sa mga indibidwal na may edad na 15 hangang 24 anyos.


Gayunpaman, nananatiling positibo ang kalihim na malulunasan ang problemang ito sa mga kabataan lalo pa’t mayroong mga programa ang ahensya para tulungan silang humanap ng trabaho. Halimbawa aniya ang PhilJobNet, at ang kaliwa’t kanang pagsasagawa nila ng job fairs.

Ayon sa kalihim, target ng ahensya na maibaba pa ang unemployment rate sa 3 hanggang 5 porsyento pagsapit ng 2022.

Facebook Comments