DOLE, nagbabala sa mga trabahong iniaalok sa Social Media

Nagbabala ang Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa Mga pilipino laban sa mga trabahong ini-aalok sa iba’t-ibang Social Media Platforms.

Ito’y matapos mapansin ng ahensya ang sandamakmak na Social Media Accounts at Pages na naglalathala ng hindi awtorisadong Local at Overseas Job Vacancies gamit ang logo ng DOLE at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa ilegal na pagre-recruit, scam, at mangikil ng pera sa jobseekers.

Ayon sa DOLE, ang mga naghahanap ng trabaho ay dapat nakikipag-ugnayan lamang sa Accredited Recruitment Agencies o sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno upang maiwasang mahulog sa mga ilegal recruiters.


Hinihikayat ng DOLE ang jobseekers na bisitahin ang webiste ng ahensya (www.dole.gov.ph), at ang website ng Philjobnet (www.phijobnet.gov.ph) para sa local job posting.

Para sa Overseas job orders ay bisitahin ang website ng POEA (www.poea.gov.ph) at dito rin malalaman ang mga Licensed at Accredited Recruitment Agencies sa bansa.

Facebook Comments