DOLE nagpalabas ng kautusan tungkol sa total ban sa pagpapadala ng mga manggagawa sa Libya

Nagpalabas ng kautusan si Labor Secretary Silvestre Bello III hinggil sa total deployment ban ng mga OFW patungong bansang Libya alinsunod na rin sa payo ng DFA na kumalat ang karahasan sa North African country.

Ayon kay Bello III mahigpit ngayon nakikipag-ugnayan ang DOLE sa DFA upang i-monitor ang sitwasyon ng mga OFW para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Paliwanag ng kalihim handa ang DOLE na magbigay ng ayuda sa mga OFW na planong bumalik sa bansa kung saan ay pinaghahandaan na ng kagawaran ang force repatriation sakaling lumala pa ang kaguluhan doon.


Dagdag pa ni Bello na mayroon aniyang 2,600 undocumented OFWs sa Libra na karamihan ay pawang mga professional na kinabibilangan ng medical workers at skilled workers.

Giit ng kalihim na maliban sa repatriation aid nakaambang din ang reintegration assistance mula sa OWWA na pababalikin sa Pilipinas ang mga manggagawa mula Libya.

Facebook Comments