DOLE, nagsagawa ng dry run sa gagawing proseso kaugnay sa mga darating na labi ng mga OFW mula sa Saudi Arabia

Nagsagawa na ng dry run ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa pagdating ng mga labi ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na namatay mula sa Saudi Arabia.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inaasahang darating bukas, July 10, 2020 ang mga labi ng nasa 44 na OFWs, kung saan 19 ang positibo sa COVID-19 habang 24 naman ang namatay dahil sa natural causes.

Aniya, kaagad na iki-cremate ang labi ng mga OFWs na namatay sa COVID-19, habang ang natitira naman ay ipapaubaya na sa kanilang mga pamilya.


Nabatid na unang batch pa lamang ito kaya humiling na nang karagdagang palugit ang Pilipinas sa pamahalaan ng Saudi Arabia sa pagpapauwi ng natitirang mga labi na may kabuuang 274.

Tiniyak naman ng kalihim na makakatanggap ang mga naulilang pamilya ng bereavement benefits at claims mula sa death insurance.

Facebook Comments