Dole, Nakatakdang Maglabas Ng Bagong Polisiya Kaugnay Sa Usapin Ng Kontraktuwalisasyon

8

MANILA – Nakatakdang maglabas ng bagong polisiya ang Dept. of Labor and Employment kaugnay sa usapin ng kontraktuwalisasyon bago matapos ang taon.Kasunod na rin ito ng target ng kagawaran na tapusin na ang kontraktuwalisasyon sa bansa kabilang na ang “endo” at SSS.Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III – magpupulong sa susunod na linggo ang mga opisyal ng DOLE upang pag-aralan ang ipinapanukalang win-win structure ng Department of Trade and Industry at grupo ng mga employers sa bansa.Batay sa panukala, tatanggapin ang mga manggagawa bilang regular na empleyado at may benipisyo pero maaari silang italaga o mailipat sa ibang lugar kung kinakailangan.

Facebook Comments