DOLE, nanlunsad ng job fair kasabay ng pagdiriwang sa Independence Day sa Lunes (June 12)

Manila, Philippines – Hinihikayat ng Department of Labor And Employment ang publiko na makibahagi sa gaganaping job fair sa iba’t ibang lugar sa bansa, kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day sa Lunes.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, tinatayang nasa higit 40 libong mga bakanteng trabaho, lokal at abroad, ang naghihintay sa mga makikiisa sa nasabing Job Fair.

Aniya, magdala lamang ng mga pangunahing requirements tulad ng Resume, mga Valid ID, ID Pictures at Birth Certificate.


Dito sa Metro Manila, gaganapin ang Job Fair sa Senior Citizen’s Garden sa Rizal Park sa Maynila, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
DZXL558

Facebook Comments