Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bawasan ng 90% ang deployment ng mga construction workers abroad.
Ito ang nakikitang solusyon ng DOLE tungkol sa lumalalang kakulangan ng “manpower” sa sunod-sunod na infrastructure projects lalong-lalo na sa “Build Build Build” Program ng pamahalaan.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III – lumapit na sa kanya ang construction industry at umapelang maghinay-hinay sa pagpapadala ng mga skilled Filipino workers sa ibang bansa.
Una nang sinabihan ng DOLE ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) hinggil sa nasabing panukala.
Matatandaan, una nang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na atrasado ang “Build Build Build” Project ng administrasyon dahil sa kakulangan ng skilled workers sa bansa.