Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Hong Kong na iwasan munang pumunta sa ibang lugar maliban sa kanilang trabaho.
Ayon kay labor Sec. Silvestre Bello III, mainam na manatili ang mga ito sa kani-kanilang tinutuluyan.
Kung sila aniya ay mga household service worker, manatili sila sa bahay kung saan sila naninilbihan.
Kapag naman ay factory o business establishment, sinabi ni Bello na agad umuwi ng bahay kapag natapos ang kanilang trabaho roon.
Nakiusap din ang DOLE sa Hong Kong citizens na huwag isama ang mga Pilipino sa kanilang demonstrasyon.
Facebook Comments