Positibo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gaganda pa antas ng labor force ng bansa.
Ito ay matapos tumaas sa 235,000 ang bilang ng mga Pilipino na nagkaroon ng trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa DOLE, umaasa sila na magtutuluy-tuloy na ang pagbangon ng ‘labor market’ ng Pilipinas habang nagbubukas ang mga negosyo, pabrika at mga industriya dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.
Sa ilalim anila ng kanilang employment recovery agenda ng NERS Task Force, aabot na sa 2.08 indibidwal ang naalalayan nila at may 129,000 establisimiyento ang natulungan nila na nagresulta ng pagkakaroon ng 780,119 na bagong trabaho.
Facebook Comments