Cauayan City, Isabela- Hinimok ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) region 2 ang lahat ng pamilyang apektado ng kalamidad na magpatala sa kanila para mabigyan ng tulong pinansyal na inilaan ng pamahalaan.
Ayon kay Atty. Evelyn Ramos, DOLE Regional Director, nakapagbayad na sa kabuuang 7,772 Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) workers o sa halagang P28,489,000 batay sa pinakahuling tala nitong November 30 habang 15,120 workers naman ang nabigyan sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at may kabuuang halagang P75.6 million.
Aniya, hindi pa buo ang nababayarang manggagawa sa ilalim ng TUPAD dahil sa hinihintay pang matapos ang mga naunang sumailalim sa programa habang may natitira pang 12,806 workers o katumbas ng halagang ibabayad na P17,433,000.
Kaugnay nito, nagkaroon ng pagtaas ng daily minimum wage sa mga TUPAD workers na dating tumatanggap ng P3,700.
Nilinaw din ng opisyal na maaaring magsumite ng aplikasyon para sa TUPAD ang mga household na apektado ng kalamidad para mabigyan din ng kaululang sahod mula sa ahensya subalit kinakailangan na makipag-ugnayan sa opisyal ng barangay para sa aplikasyon.
Samantala, prayoridad din ng ahensya ang mga former rebels na mabigyan ng tulong mula sa pamahalaan.
Para sa mga nais mag-apply, mag-register sa reports.dole.gov.ph/ para mabigyan ng tulong pinansyal ng pamahalaan.
<www.dole.gov.ph/covid-19-adjustment-measures-program-camp-tupad-bkbk-infomaterials/>