Cauayan City, Isabela – Bumisita sa lalawigan ng Isabela si DOLE Secretary Silvestre “Bebot” Bello III upang matiyak ang serbisyo ng pamahalaang Duterte sa panahon ng kalamidad.
Aniya ang lalawigan ng Isabela ay higit umano na nakahanda sa bagyong ompong base sa kanyang pakikipagpulong sa PDRRMC Isabela.
Ang tanging magagawa umano niya ay pagpapalawak sa mga darating na serbisyo tulad ng mga bigas, pagkain, medisina, gatas at iba pa para sa tuluy-tuloy na pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo.
Iginiit pa ni Secretary Bello na pagkatapos ng kalamidad ay magkakaroon umano ng emergency employment program para sa mga dislocated isabeleño pero ito ay nakasalalay na umano kay Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III.
Layunin umano ng pagbisita ni Secretary Bello ay ang hangarin rin ng pangulong Duterte na maging zero casualty ang lalawigan ng Isabela.