Dolomite dust, ginagamit din sa iba pang bahagi ng mundo – DOST

Iginiit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang dolomite stones ay ginagamit din sa iba pang bahagi ng mundo.

Ang pininong dolomite stones ang “white sand” na ginagamit ng DENR para sa pagpapaganda ng Manila Baywalk.

Paglilinaw ni Environment Undersecretary Benny Antiporda, hindi reclamation ang ginagawa nila kundi ‘beach nourishment’ kung saan binubuhay o pinapasigla muli ang mga buhangin sa lugar.


Dagdag pa ni Antiporda, ang dolomite ay ginagamit para makontrol ang polusyon.

Ang dolomite stone na ibiniyahe mula sa Cebu ay may laking 5 millimeters o 100 beses na malaki kumpara sa dolomite dust.

Nabatid na nagbabala ang Department of Health (DOH) na mapanganib sa kalusugan ang paglanghap ng dolomite dust.

Facebook Comments