Donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses, patuloy ang pagdating sa Kamara

Tuloy-tuloy ang pagpasok sa Kamara ng donasyon at mga tulong para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.

Sa inisyatiba ni House Speaker Lord Allan Velasco ay inorganisa sa tanggapan ni Secretary-General Atty. Jocelia Bighani Sipin ang donation drive na “Mula sa Kongreso Para sa Pilipino”.

Aabot na sa 5,000 food packs ang naipamahagi sa mga nasalanta ng kalamidad dito sa Metro Manila sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Naglalaman ang bawat food packs ng kape, gatas, inuming tsokolate, biskwit, noodles at mga de-lata.

Marami rin ang nagbigay ng tulong pinansyal na ginamit naman para pambili ng karagdagang kagamitan at mga pagkain.

Nanawagan naman ang liderato na sa mga nag-pledge ng tulong ay ipadala na lamang kaagad ang mga donasyon.

Nasa 200 na mga volunteers ang nagtutulung-tulong sa pagre-repack ng mga donasyon kasama ang mga opisyal ng mga pangunahing tanggapan sa Batasan Complex.

Facebook Comments