DONATION | Isang hotel sa UK, ayaw pagusapan ang royal wedding

Derby, UK – Ipinagbabawal sa isang hotel sa Derby, UK ang paguusap tungkol sa royal wedding nila Prince Harry at Meghan Markle.

Sa bawat mahuhuling maguusap tungkol dito, kinakailangan maghulog ng pera sa “Swear Box”.

Nakadikit naman ang isang poster sa hotel na may nakasulat na “Royal wedding free zone! Please refrain from discussing the royal wedding. We’re not interested in it, let’s talk about beer or the weather instead – or something more interesting…”


Ayon sa landlady ng hotel na si Anna Dyson-Edge, ay nagsimula ang ideya na ito noong royal wedding din nila Prince William at Princess Kate noong 2011, kung saan nakalikom sila ng 400 euro na idinonate sa isang charity.
Sinabi pa ni Dyson-Edge na kahit ito ay ipinagbabawal sa kanilang hotel ay hindi naman daw ito anti-royal, at ginagawa lamang daw ito upang makalikom ng pera upang itulong sa charity.

Facebook Comments