Donnie ‘ahas’ Nietes, didipensahan agad ang kapapanalong titulo

84

Manila, Philippines – Kasusungkit palamang ni Donnie ‘ahas’ Nietes sa flyweight belt ay kaagad nang iniutos ng International Boxing Federation (IBF) na depensahan niya ang titulo bago ang Oktubre 29.

Kasabay ng utos ng IBF ay binati rin nito si Nietes sa pagkuha ng ikatlong kampeonato sa iba’t ibang dibisyon.

Ayon pa sa IBF posibleng si Juan Carlos Reveco ng Argentina ang idedeklarang mandatory challenger.

Ayon naman sa promoter ni Nietes na si ALA Promotions President Michael Aldeguer ay susundin muna nila ang IBF bago sumabak sa unification ng WBC, WBA, at WBO.

DZXL558

Facebook Comments