Marian Rivera, nagbigay ng payo sa magiging bagong Darna

154

Manila, Philippines – Nagbigay ng payo ang aktres na si Marian Rivera sa magiging bagong Darna.

Tinanong si Marian Rivera na kung sakaling bibigyan siya ng tsansa para maging Darna muli ay tatanggapin niya ba ito pero mariin siyang tumanggi.

Chika pa ni Marian – hindi niya na ulit tatanggapin ang pagiging darna dahil isa na siyang nanay at sa tingin niya ay dapat mas bata na ang bagong gaganap.

Wala man siyang naiisip na susunod sa kanyang yapak, nagbigay naman siya ng tips para sa magiging bagong darna.

Aniya, kapag naibigay na ang role ay dapat itong alagaan at dapat gawin ang lahat ng makakaya upang magampanan ng maayos ang karakter.

Ibinahagi din niya na inalagaan niya ng husto ang kanyang sarili noong ibinigay sa kanya ang role at naging fit siya dahil dito.

DZXL558

Facebook Comments