Pagkahumaling ng tao sa Tablet, patuloy na humihina

66

Manila, Philippines – Pahina na nang pahina ang pagkahumaling ng mga tao sa tablet ngayong taon, at iniulat ng malalaking producer na bumaba ang kanilang benta, ipinakita ng mga market survey.

Iniulat ng IDC ang 8.5 porsiyentong pagbaba sa global tablet shipment ng 36.2 milyon.

Ito ang pang-10 sunud-sunod na quarterly decline para sa tablet, sinabi ng IDC.

Sa hiwalay na survey ng strategy analytics, nasa 10 porsiyento ang pagbaba para sa quarter.

DZXL558

Facebook Comments