‘Do’s and Don’ts’ ng PNP, Mahigpit na Imomonitor ni RD Casimiro!

Cauayan City, Isabela- Tiniyak ni PBGen Angelito Casimiro, bagong pinuno ng Police Regional Office sa lambak ng Cagayan na mahigpit nitong imomonitor ang mga ‘do’s and don’ts ng bawat pulisya sa kanyang nasasakupan.

Isa ito sa kanyang nabanggit sa kanyang talumpati sa isinagawang change of command noong Oktubre 23, 2019 at kanyang pinalitan si PBGen Jose Mario Espino na nailipat naman sa Kampo Krame.

Ayon kay PBGen Casimiro, paiigtingin pa nito sa kanyang pamumuno ang mga naumpisahan ni PBGen Espino sa mahigit kumulang walong (8) libong pulis sa lambak ng Cagayan.


Ipinaalala nito sa bawat miyembro ng pulisya na gawin ang kanilang responsibilidad sa pagbibigay serbisyo publiko, umiwas sa anumang uri ng pagsusugal, pangongotong, pagtanggap sa anumang bagay o regalo at iba pa na maaaring makasira sa imahe ng PNP.

Hiniling naman ni PBGen Casimiro ang pakikipagtulungan ng bawat isa upang maipatupad at maisagawa ng maayos ang kanyang mga pinaplano.

Facebook Comments