Pananagutin ng pamahalaan ang mga vaccine developers sakaling makaranas ng adverse effects o injuries ang mga indibidwal na lalahok sa COVID-19 vaccine clinical trials.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, kapag nagkaroon ng hindi magandang epekto ang itinurok na bakuna sa mga pasyente ay kailangang managot ang vaccine company.
Dagdag pa ni Dela Peña, hindi gagastos ang Local Government Units (LGUs) ng ni-isang sentimo para sa pasasagawa ng clinical trials ng mga vaccine developers na binigyan ng go signal para gawin ang Phase 3 trial sa Pilipinas.
Ang papel aniya ng mga LGU sa clinical trials ay ang pag-recruit ng mga volunteer.
Ngayong linggo magsisimula ang vaccine clinical trials ng Belgium-based Janssen Pharmaceuticals.