Manila, Philippines – Bumuwelta si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa mga kritisismo sa bagong tourism campaign logo ng bansa.
Ayon kay Puyat, imbes na batikusin dapat suportahan na lamang ito ng mga Filipino.
Matatandaang inulan ng batikos ang panibagong logo ng tourism campaign ng Pilipinas dahil ito umano ang “cheaper” version ng naunang campaign logo.
Pero giit ni Secretary Romulo-Puyat gusto niya ng fresher at minimalist look para sa panibagong logo, na dumaan naman aniya sa masusing pag-aaral
Ang logo ay local woven Anahaw textiles inspired na kumakatawan sa mga kulay na taglay o kilala ang Pilipinas.
Tulad ng green na nagrerepresenta sa Rice Terraces, blue, sa ating katubigan, yellow sa mangga na kung saan sikat na sikat ang Pilipinas.
Kasunod nito hinikayat niya ang mga Pilipino na suportahan ang campaign at gamitin ang hashtag #itsmorefuninthePhilippines.”