DOT, mas lalo pang pinalakas ang ugnayan sa ibang ahensiya para sa isyu ng turismo sa bansa

Mas pinaigting pa ng Department of Tourism (DOT) ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) para mapaganda at mapalakas ang sektor ng turismo sa bansa.

Sa Kapihan sa Manila Prince Hotel, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na kakailanganin nila ang tulong ng DOTr sa mga programa na kanilang inilaan ngayong taon.

Dagdag pa ni Frasco, kailangan pa mapaganda ang mga tinatawag na “international gateways” tulad ng paliparan upang mas lalo pang maka-hatak ng mga turista.


Kaugnay nito, pinasalamatan ng kalihim si Pangulong Bongbong Marcos sa naging desisyon hinggil sa private-public partnership para mapaganda ang mga international airport.

Aniya, dahil sa naging hakbang na ito ng Pangulo ay lalong tumaas ang bilang nang pagpasok ng mga turista sa bansa.

Inaasahan naman nila ngayon sa DOTr na maisasapribado na ang iba pang international gateways sa bansa para mas makahatak ng maraming turista.

Facebook Comments