Ilang mga paghahanda sa 2025 midterm elections, ipinagpapatuloy pa rin ng COMELEC

Sa kabila ng pagkakaantala ng pag-imprenta ng mga balota, tuloy pa rin ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga aktibidad at pagsasanay para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi naman apektado ng mga inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Supreme Court ang mga pagsasanay o paghahanda na bahagi ng National and Local Elections sa May 2025.

Kabilang sa isasagawa ng COMELEC ang pagsasanay sa mga trainer at mga tauhan ng Department of Science Technology (DOST) na magsisilbi bilang mga certifier ng mga miyembro ng Electoral Board na itatalaga sa eleksyon.


Sa Abril o ilang araw bago ang election, magsasagawa rin ng refresher ang COMELEC sa mga electoral board at Department of Education (DepEd) Supervisor Official (DESO) Technical Support.

Sinabi pa ni Garcia na bukod sa pagsasanay para sa proseso ng paggamit ng Automated Counting Machine at Consolidated Canvassing System, kabilang din sa pinaghahandaan ng Comelec ang deployment, pagpopondo, mga kagamitan at mga plano para sa hindi inaasahan mga pangyayari.

Facebook Comments