
Hiniling ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano sa Supreme Court na magtalaga ng special courts na syang maglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga kasabwat umano nito.
Sabi ni Valeriano, para ito sa mga kaso ng tokhang at extra judicial killings o EJK na naganap sa sa ilalim ng war on drugs na ikinasa ng Duterte administration.
Ayon kay Valeriano, pinahihintulutan ang ganitong hakbang sa ilalim ng Judiciary Reorganization Act.
Ang mungkahi ni Valeriano ay para sa kapakanan ng mahigit 30,000 biktima ng tokhang at EJK sa panahon ng administrasyong Duterte.
Diin ni Valeriano, hindi maitatanggi ang mga ebidensya ukol sa tokhang at EJK na nakapaloob sa House Quad Committee report na resulta ng imbestigasyon nito ukol sa drug war at EJK.