Manila, Philippines – Tiwala si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na maaabot ang target na 7.4 million tourist arrivals sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Puyat, doble-kayod na ang ahensya sa pagpapatupad ng malawak na koneksyon, pagbuo ng affordable tour packages at agresibong market activation.
Nakipagtulungan na rin ang DOT sa Department of Interior and Local Government (DILG) para maipatupad ang mga batas lalo’t ang mga Local Government Unit (LGU) sa Boracay ay ‘makapal ang mukha’ sa pag-aapruba ng permits kahit walang environmental compliance certificate.
Nakatanggap din ng suporta ang DOT kay Transportation Secretary Arthur Tugade, Public Highways Secretary Mark Villar at Justice Secretary Menardo Guevarra na magpupulong sa susunod na linggo para talakayain ang lahat ng infrastructure projects lalo na sa mga paliparan at kalsada.
Isinama si Puyat ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa economic cabinet cluster habang nag-alok naman si Budget Secretary Benjamin Diokno na taasan ang budget ng ahensya.