DOTr, magdadagdag ng 50 pang bus sa EDSA Bus Carousel

Maglalagay pa ang Department of Transportation (DOTr) ng karagdagang 50 bus na dadaaan sa EDSA Bus Carousel.

Pahayag ito ni DOTr Secretary Jaime Bautista sa isang press conference sa sidelines ng Philippine Economic Briefing sa New York.

Ayon kay Bautista, nakikita nito na ang pagpapalakas ng public transportation system ay bahagi ng solusyon upang masolusyunan ang problema ng trapiko sa Metro Manila.


Dahil dito, magiging 500 na ang bus na dadaan sa EDSA Bus Carousel mula sa 450 bus na dumaraan dito araw-araw.

Hinikayat din nito ang publiko na gamitin ang train system ng bansa tulad ng MRT-3 at LRT 1 at 2.

Sa pamamagitan nito ay mababawasan aniya ang bilang ng private vehicles na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA.

Una nang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magbubukas ito ng mahigit 50 ruta ng jeep ngayong linggo upang madagdagan ang bilang ng public utility vehicles sa kalsada.

Facebook Comments