Nagpamahagi ng “Malasakit Kits” ang mga ahensya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) sa mga ama na nasa land terminals, train stations, seaports at airports nitong Araw ng mga Tatay.
Ang mga ahensya sa ilalim ng DOTr ay ang mga sumusunod: Manila International Airport Authority (MIAA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Civil Aeronautics Board (CAB) MRT-3, Light Rail Transit Authority (LRTA), Philippine National Railways (PNR), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), at iba pa.
Kasama sa isang kit ay bottled water, light snack, foldable fan, face towel, wet wipes, hand sanitizer at lotion.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, namahagi sila ng mga kit upang magpasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa mga transportasyon mapalupa, himpapawid o dagat.