Iginiit ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na hindi ‘anti-poor’ ang mandatory na paggamit ng face shield ng publiko na sasakay ng pampublikong transportasyon.
Ito’y matapos batikusin ng ilang grupo ang nasabing kautusan.
Paliwanag ni Tugade na tinutugunan lang nila ang isa na mga maaaring dahilan sa pagkalat ng COVID-19.
Sinabi rin nito na ang nasabing hakbang ay para rin sa kaligtasan ng lahat nalalabas ng bahay at gagamit ng mga pampublikong transportasyon.
Dagdag pa niya na walang katumbas na halaga ang pangangalaga sa kalusugan.
Kaya naman panawagan nito sa publiko ang kooperasyon at pagsunod sa health protocols laban sa COVID-19 na ipinatutupad ng gobyerno.
Nilinaw rin nito na walang multa o kaparusahan ang lalabag nito, pero hindi naman maaaring sumakay ng pampublikong transportasyon ang isang pasahero na walang suot sa face shield.
Kahapon, naglabas ng kautusan ang DOTr na ipatupad ang mandatory ng paggamit ng face shield sa lahat ng pampublikong sasakayan tulad ng mga bus, modern at traditional jeepney, taxi, TNVS at train kasama rin ang mga sasakayang pandagat at panghimpapawid.