DOTr, pinasinungalingan ang pahayag ng grupong bayan na nakakaranas ang bansa ng mass transport crisis

Mariing itinanggi ng Department of Transportation (DOTr) ang pahayag ng isang militanteng grupo na nakakaranas ang bansa ng ‘mass transport crisis.’

Nabatid na sinabi ng Renato Reyes Jr., Secretary General ng bagong alyansang makabayan (Bayan) sa isang tweet na nasa krisis ang sistema ng transportasyon ng bansa dahil sa pagpalya ng tatlong linya ng tren nitong mga nagdaang Linggo.

Depensa ni Transportation Assistant Sec. Goddes Libiran, patuloy na pinapabuti ang serbisyo ng mga tren at nagpapatuloy din ang rehabilitation efforts para rito.


Ayon kay Libiran, hindi tamang sabihin na may krisis na nangyayari dahil mababa na ang unloading incidents lalo na sa MRT-3 nitong 2018 kumpara noong 2016.

Dagdag pa niya, dinadagdagan din ang mga linya ng tren bilang patunay na umaayos ang Transportation System sa bansa.

Partikular ang pagpapatayo ng MRT-7, extensions ng PNR, LRT-1, at LRT-2.

Facebook Comments