Inilatag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang plano ng pamahalaan na gawin ang Pilipinas na international hub para sa crew change at iba pang international maritime activities, sa pakikipagpulong nito sa International Maritime Organization (IMO) sa pamununo ni Secretary-General Kitack Lim noong July 7, 2020.
Ipinagmalaki ni Tugade ang proyekto ng kasulukuyang administrasyon na Build, Build, Build Program kung saan sinabi nito na nakagawa ito ng mga shipping business.
Nagkasundo rin sina Tugade at Lim sa pagtugon sa issue ng climate change.
Iginiit naman nito na malaki ang suporta ng gobyerno sa seafarers ng crew change sa pamamagitan ng whole-of-government approach.
Samantala, nagpaabot ng pagbati at pasasalamat si Lim kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga suporta nito.