DOTr Sec. Vince Dizon, aminadong hindi sagot sa problema sa trapiko ang EDSA Rehabilitation Project

Aminado si Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon na hindi sagot sa problema sa trapiko ang gagawing EDSA Rehabilitation Project.

Ayon kay Dizon, mass transportation ang kailangan para maresolba ang problema sa mabigat na trapiko.

Nanindigan naman si Dizon na hindi masasakripisyo ang EDSA Busway sa gagawing pag-rebuild sa EDSA epektibo sa June 13.

Ito ay lalo na’t lane by lane at segment by segment aniya ang gagawing rehabilitasyon sa EDSA.

Tiniyak naman ng kalihim na magkakaroon ng mga alternatibong ruta sa kasagsagan ng EDSA rehabilitation.

Facebook Comments