Mga bagong nahuling suspek sa Anson Que case, iniharap sa DOJ

Nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong suspek sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng si Anson Que.

Ito ay para sumalang sa preliminary investigation kaugnay sa reklamong kidnapping for ransom with homicide.

Personal na dumalo si Gong Wen Li o Kelly Tan na itinuturong pangunahing suspek sa krimen.

Si Tan ang sinasabing nagdala kina Que at driver nito sa lugar kung saan ginanap ang pagdukot sa kanila.

Siya rin ang nakipag-negosasyon sa pamilya ng biktima at namahala sa digital wallets na ginamit para makuha ang daan-daang milyong pisong ransom fee.

Kamakailan nang kumpirmahin ng Philippine National Police ang pag-aresto kina Tan at Wu Ja Ping sa Boracay.

Facebook Comments