DOTr, suportado ang panukala ng MMDA kaugnay sa paghigpit sa mga hindi bakunado kontra COVID-19

Suportado ng Department of Transportation o DOTr ang resolution ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na naghihigpit sa mobility ng hindi pa fully vaccinated na indibidual habang nasa ilalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 COVID-19 status.

Dahil dito, tiniyak ng pamunuan ng DOTr na maipatutupad ang nasabing resolusyon sa buong Metto Manila ngayon nasa Alert Level 3 ito hanggang January 15.

Nakipag-ugnayan na rin ang pamunuan ng DOTr sa mga ahensya na nasa ilalim nito upang siguraduhin na masusunod ang nasabing bagong panuntunan.


Nakasaad kasi sa resolosyon, na aprobado ng Metro Manila Council o MMC, ang mga hindi pa fully vaccinated na tao ay bawal mag biyahe sa pamamagitan ng land, sea at air public transport.

Maliban nalang kung essential ito tulad nalang ng pagbili ng essential goods and services pero kailangan magpakita ng katibayan ng kanilang pagbiyahe.

Kabilang din dito ang mga batang edad 17 years old pababa, senior citizens, pregnant women o mga buntis at persons with comorbidities o mga may sakit.

Facebook Comments