Kamara, naka-lockdown ngayong linggo

47

tIsinailalim sa lockdown ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna na rin ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, ilalagay muna sa lockdown ang Kamara ngayong buong linggo upang maiwasan ang pagkalat ng sakit lalo na ang Omicron variant.

Ginawa ang hakbang na ito para matiyak rin ang kaligtasan at kalusugan ng mga kawani at mga nag-oopisina sa Batasan Complex.


Sa susunod na linggo ay balik din agad sa normal na operasyon ang Mababang Kapulungan.

Sasamantalahin din ang disinfection sa lahat ng gusali sa Batasan habang naka-lockdown.

Facebook Comments