
Kampante ang pamunuan ng Department of Transportation o DOTr na matatapos ang proyekto sa darating na Abril 2026.
Ayon sa DOTr, nasa 56.48 percent nang tapos ang konstruksyon ng Passenger Terminal Building o PTB ng Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City.
Paliwanag pa ng DOTr, kapag nakumpleto na ang pag-upgrade sa terminal, magiging komportable at maayos na ang paglalakbay ng mga pasahero patungo sa probinsiya.
Pinahuhusay na rin ng DOTr ang koneksyon sa pamamagitan ng pagtanggap ng parehong domestic at international flights, na magkokonekta sa Tacloban sa ibang bahagi ng bansa at marami pang iba.
Matatandaan na kahapon, ininspeksyon na ni Transportation Secretary Vince Dizon ang progreso ng bagong PTB.
Giit pa ni Dizon na ang pangako ng DOTr sa pag-upgrade ng mga regional airport sa buong bansa ay magtutuloy-tuloy at maging komportable at maayos na terminal.