Karagdagang tulong para sa mga evacuee ng Bulkang Kanlaon, inihatid na ng DSWD

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na naihatid na ng ahensiya ang tulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Islands.

Ayon sa DSWD, hanggang kahapon, umabot na sa 97,685 kahon ng family food packs ang naipamahagi ng ahensya bilang augmentation support sa mga lokal na pamahalaan.

Sa ulat ng DSWD-DROMIC, wala pa ring pinapayagan sa mga residenteng inilikas na makabalik sa kanilang mga bahay.


Paliwanag pa ng DSWD, nanatili pa rin sa 14 na evacuation centers ang mga apektadong pamilya habang ang iba ay nasa kanilang mga kaanak at kaibigan.

Batay sa datos, 7,900 pamilya o 24,891 indibidwal mula sa 22 barangay sa tatlong lungsod at apat na munisipalidad ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkan Kanlaon hanggang sa kasalukuyan.

Siniguro naman ng DSWD na may mahigit P161.5 milyong available relief resources pa ito na handang gamitin sa pangangailangan ng mga evacuee sa naturang lugar.

Facebook Comments