Marawi City – Nagpaabot na rin ng tulong ang Department of Public Works and Highways sa mga evacuees na nagsilikas mula Marawi City bunsod ng bakbakan na nagaganap sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute group.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nasa 3,572 na mga evacuees ang napaabutan nila ng relief assistance sa limang evacuation centers sa Iligan City.
Bukod dito, nakapag-abot rin aniya sila ng relief assistance sa mga tropa ng 103rd Infantry Battalion.
Aabot sa kabuuang 4.78 million pesos ang pondong nalikom ng ahensya mula sa mga empleyado nito para sa nasabing relief operation.
Sa darating na Huwebes naman (June 22), ay nakatakda silang bumalik upang muling magpamahagi ng mga relief goods sa mga evacuation centers sa Marawi City, Malabang, Lanao del Sur at maging sa mgatauhan ng 6th Infantry Battalion.