DPWH, nakalatag na ang mga gagawing proyekto ngayong taon

Tututukan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang pagsasaayos ng Maharlika Highway sa mga susunod na araw.

Sa presscon ni DPWH Sec. Vince Dizon, ang nasabing kalsada ay nagkaroon na ng mga problema kung saan matagal na rin itong inirereklamo ng mga motorista.

Aniya, ang Maharlika Highway ay siyang kalsada na maaaring daanan para makatungo sa mga expressway, tulay, paliparan, at mga pantalan.

Sinabi ni Dizon, isa ang Maharlika Highway na prayoridad ng DPWH lalo na’t ito ang pangunahing kalsada mula Luzon hanggang Mindanao.

Bukod sa nasabing highway, sisikapin din tapusin ng DPWH ang mga sira-sirang kalsada, kalye at mga tulay habang malapit na rin matapos ang phase 1 ng EDSA rehabilitation.

Muling iginiit ni Dizon na kahit pa mababa ang pondong inilaan sa kanilang tanggapan, sisikapin pa rin ng DPWH na matapos ang mga nakalinyang proyekto na magbebenipisyo ang taumbayan.

Facebook Comments