DPWH REGION 1, IGINIIT NA KOMPLETO SA SIGNAGE AT WARNING DEVICE ANG KONSTRUKSYON NG TULAY SA LA UNION

Iginiit ng pamunuan ng Department of Public Works ang Highways Region 1 na kumpleto ang inilagak na signages at warning devices sa konstruksyon ng Maragayap Bridge sa Barangay Santa Rita, Bacnotan, La Union.

Ito ay matapos mahulog sa ginagawang tulay ang isang motorista dahil hindi umano napansin ang konstruksyon.

Umani naman ng negatibong reaksyon sa mga netizens ang insidente dahil ilang beses na umanong may nadadale sa tulay dahil sa kakulangan ng signage at wala rin umanong hazard lights na nakalagay sa 100 metro ng construction area.

Kinwestyon na rin ng ilan ang pagpapagawa ng tulay gayong maayos pa naman umano ito.

Samantala, nanindigan ang tanggapan na makikita sa araw at gabi ang mga signage at warning devices.

Nangako rin ang DPWH Region 1 na pagpapaabot ng tulong sa pamilya ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments