P408K HALAGA NG SHABU, NASABAT SA ISANG HIGH VALUE INDIVIDUAL SA UMINGAN

Nasabat ng awtoridad ang nasa 408,000 pesos na halaga ng shabu mula sa itinuturing na High Value Individual sa Umingan.

Sa isinagawang joint anti-drug operation ng Pangasinan Police Provincial Office nakumpiska ang humigit-kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu sa isang magsasaka na residente din sa nabanggit na bayan.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim na ng kustodiya ng kapulisan ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments