Umani ng tagumpay ang hakbang na isinagawa ng grupo ng mga environmental advocates hinggil sa pagpapatigil ng pamumutol ng kahoy na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pangunahing kalsada dito sa Naga City. Ito ay matapos katigan ng korte ang kasong isinampa ng grupo laban sa DPWH Region 5. Nagpalabas ng TEMPORARY ENVIRONMENTAL PROTECTION ORDER (TEPO) ang korte sa kasong EDGARDO M. CASTRO, ET AL, plaintiffs -versus- DANILO E. VERSOLA, in his capacity as Regional Director of DPWH Region V, ET AL, defendants sa Civil Case No. RTC 2017 – 0089 For: Enforcement of RA 3571, PD 1151, PD 1586 and 7610 with prayer for Temporary Environmental Protection Order (TEPO), Permanent Environmental Protection Order and/or Writ of Continuing Mandamus kaugnay ng pamumutol ng punongkahoy bilang bahagi ng road widening project sa Naga City. Ang kaso ay inilunsad ng grupong Sumaro sa Salog (SULOG, Inc.) and They Grey, We Green Movement na sinusuportahan nina Atty. Luis Ruben M. General at Atty. Allan Reiz C. Macaraig bilang mga Tagapagtanggol o Counsels.
Sa nasabing TEPO, iniutos ng korte na dapat itigil ng DPWH ang tree-cutting operations nito sa San Felipe Road at iba pang mga kalye ng Naga City upang iligtas ang mga punongkahoy habang patuloy na nireresulba ang mga isyu ng pangunahing usapin hinggil dito. Saklaw ng nasabing TEPO ang mga kalsada sa barangay Liboton, Balatas, San Felipe papuntang Carolina – Panicuason, Peñafrancia, at Concepcion Grande.
Samo’t saring reaction naman ang ipinaabot ng publiko nang unang talakayin ito sa programang DOBLE PASADA ng RMN DWNX 1611AM. May pumapabor at nagsasabing marapat lamang na iligtas ang mga ‘gurangan’ ng punongkahoy sa tabi ng mga kalsada ng Naga City, subalit meron namang nagsasabing ang pamumutol ng punongkahoy sa tabi ng kalsada ay kinakailangang hakbang para sa kaayusan ng mga kalsada at trapiko sa Naga City tungo sa tuluyang pag-unlad ng lunsod.
Abangan sa programang DOBLE PASADA ng RMN DWNX 1611AM – with Kasamang Ed Ventura at Grace Inocentes – ang maiinit na talakayan hinggil sa usaping ito. Ano ang opinion mo? – Kasama mo sa balita at serbisyo publiko – Grace Inocentes, Paul Santos, Rolly Pecana, Jun Orillosa- Tatak RMN!
DPWH Region 5 sa Pamumutol ng Kahoy sa Naga City, Pinatitigil ng Korte
Facebook Comments