DPWH Sec. Villar, Pangungunahan ang Pagpapasinaya sa Pigalo Bridge!

Ganap na alas nuebe ngayong umaga ay inaasahang darating at pangungunahan ni DPWH Sec. Mark Villar ang pagpapasinaya sa Pigalo Bridge sa bayan ng Angadanan, Isabela.

Ang naturang tulay ay nagkakahalaga ng 478 milyong piso na sinimulang gawin noong 2017 matapos na masira noong 2011 ang dating Pigalo Overflow Bridge dahil sa bagyong Pedring at bagyong Quiel na siyang nagdudugtong sa bayan ng Angadanan at San Guillermo, Isabela.

Nagpapasalamat naman ang mga mamamayan sa mga nabanggit na bayan dahil halos walong taon din itong hinintay ng mga residente na labis na naapektuhan sa pagkakasira ng naturang tulay.


Inaasahan naman nina ANAC-IP Representative Cong Jose “Bentot” Panganiban at Napoleon Dy na kinatawan ng ikatlong distrito ng Isabela na muling babalik ang sigla ng mga residente.

Facebook Comments